FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
PRIVATE SCHOOL RELATED MATTERS
(Prepared by Ms. Thelma F. Montiel)
Sagot: Oo, ito ay maaari. Ang aplikante ay dapat magbigay ng kahit alin sa sumusunod bilang basehan sa pagsasaayos ng pang-akademikong school record.
Sagot: Birth Certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). Maaari ring tanggapin ang mula sa National Statistics Office (NSO).
Kung sakaling walang PSA birth certificate, ang magulang/tagapag-alaga ay kinakailangang magbigay ng birth certificate (late registration) mula sa local civil registrar o barangay certificate na naglalaman ng pangunahing impormasyon ng mag-aaral tulad ng:
Sagot: Kung ang mag-aaral ay isinilang bago Disyembre 29, 2013 ay NSO. Kapag December 29, 2013 onwards ay PSA.
Sagot: Hindi pinahihintulutan ang mga private schools na maningil nang sobra.
Sakaling magkaroon ng overcharging, dapat na ibalik ng paaralan ang sobrang ibinayad ng mga ESC grantees at may suspensiyon mula sa pag-iimbita at pagtanggap ng ESC grantees sa Grade 7 ng halos isang taon.
Sagot: Hindi. Inaasahan na maibabalik ng paaralan ang paunang bayad ng ESC grantees sa loob ng 30 araw matapos matanggap ng DepEd ang kanilang resibo.
Kung sakaling walang nagyaring reimbursement o tumagal pa ito sa 30 araw, kailangang ibalik ng paaralan ang naging bayad ng mga mag-aaral sa school fees at suspensiyon mula sa pag-iimbita at pangtanggap ng ESC grantees sa Grade 7 ng halos isang taon.
Sagot: Hindi. Kung sakaling kailanganin ng mga ESC transferring grantees na bayaran ito, may pananagutan ang pribadong paaralan sa pamamagitan ng pagbawas sa kabuoang slot ng ESC Grade 7 depende sa bilang ng mga naapekuhang mag-aaral.
Sagot: Ang isang pribadong paaralan ay accredited school kung ang paaralan ay nabigyan ng DepEd Regional Director ng government permit or recognition na mag-offer ng basic education.
Sagot: Oo, nasa mandato ng mga private schools na kumuha muna ng government permit or DepEd recognition bago tumanggap ng mga mag-aaral at bago mag-umpisa ang education operation.
Sagot: Hindi papayagan ang mga private schools na mag advertise o tumanggap ng mga enrolees kung sila ay wala pang aprobadong government permit dahil ito ay labag sa batas.
Sagot: Ang private school na ito ay may karapatang magbigay sa kanyang mga mag-aaral ng certificate, title o diploma sa natapos na kurso.
Sagot: Ang government recognition ng isang private school na lumipat ng lokasyon ay mawawalan ng bisa.
Sagot: Oo. Maaaring hindi ibigay ng mga pampribadong paaralan ang kredensiyal ng mga mag-aaral kung ang dahilan ay suspensiyon, pagpapaalis, o hindi pagtupad sa financial liability at property accountability ng mag-aaral sa paaralan.
Sagot: Maaari silang sampahan ng kasong administratibo.
Sagot: Hindi dapat pigilan ang school credentials ng mag-aaral.
Sagot: Ang Learner Reference Number (LRN) ay isang premanenteng 12-digit number na ipinagkakaloob sa isang mag-aaral habang kinukumpleto niya ang basic education program
Sagot: Hindi. Isa lang ang LRN ng isang mag-aaral sa buong basic education program.
Sagot: Makipag-ugnayan sa inyong gurong tagapayo (class adviser) upang malutas ang suliranin.
Sagot: Hindi. Tangi ang Database Management Unit Office ng Planning Service ng DepEd Central Office ang nagbibigay ng LRN sa mga mag-aaral sa pakikipag-ugnayan ng Paranaque Division Planning Office.
Sagot: Wala. Nakasaad sa polisiya ng bansa ang pagbibigay ng edukasyon sa lahat sa pamamagitan ng paghahatid ng libre at kinakailangang edukasyon sa mga mag-aaral sa elementarya pati narin sa sekundarya.
Sagot: Makipag-ugnayan ang magulang sa gurong tagapayo para masagutan nang maayos ang Basic Education Enrollment Form.
Sagot: Pumunta sa pinakamalapit na public school at ipatala ang inyong anak at base sa DepEd Order No. 8, s. 2020 binibigyan ang magulang na maibigay ang kredensyal ng bata bago matapos ang Disyembre, 2020.
PUBLIC SCHOOL RELATED MATTERS
(Prepared by Ms. Thelma F. Montiel)
Sagot: Ang mga sumusunod lamang ang pahihintulutan:
Sagot: Maliban sa mga unang nabanggit, maaaring magbigay ng kontribuyon ang mga magulang kung ito ay kanilang napagkasunduan para sa ikabubuti ng paaralan.
Sagot: Hindi. Ang PTA Contribution ay boluntaryo lamang. Sila ay pinapayagan lamang mangolekta kapag sila ay RECOGNIZED na ng punongguro.
Sagot: Hindi pinahihintulutan ang sinumang guro o kawani ng paaralan na mangolekta ng PTA Contribution. Ito ay salungat sa “Code of Ethics of Professional Teachers”.
Sagot:
Sagot: Maaaring maisauli ang mga libro sa susunod na pagkuha ng modules sa paaralan.
Sagot: Ang makatatanggap lamang ng learning tablets ay ang mga mag-aaral ng Kidergarten at Grade 1 na nakapagpatala sa paaralan ng Parañaque.
Sagot: Ang magulang o guardian ng mag-aaral ang maaaring kumuha at tumanggap ng learning tablet sa paaralan sa itinakdang schedule. Magdala lamang ng ID o katunayan na siya ay magulang o guardian ng mag-aaral.
Sagot: I-check pong mabuti ang learning tablet na matatanggap. Siguraduhin na ito ay gumagana at nasa tamang kundisyon. Gayundin ang pag-iingat sa learning tablet ay responsibilidad ng magulang.
Sagot: Ang Learning Tablet ay maaari lamang gamitin sa pag-aaral ng mga bata at hindi sa ano pa mang layunin.
Sagot: Kung sakaling masira ang tablet, mangyaring ipagbigay alam agad sa adviser ng bata upang ito ay magawan agad ng paraan at uang mapagbigay alam din ng adviser sa school property custodian.
Sagot: Kung ang learning tablet naman ay nawala dahil sa mga di inaasahang pangyayari katulad ng baha, sunog at lindol, makipag-ugnayan kaagad sa adviser. Mangyari lamang din na gumawa ng maikling salaysay ukol sa pagkawala ng tablet na may pagsang-ayon ng adviser o sertipikasyon galing sa Barangay na kayo ay nabaha o nasunugan.
Sagot: Opo. Bago po matapos ang school year, ang tablet ay kailangang maisauli sa adviser na kanya din naming ibabalik sa school property custodian para sa imbertaryo (annual inventory).
Sagot: Mahigpit na ipinapakiusap sa mga magulang na lubos na subaybayan ang mga bata sa paggamit ng tablet. Responsibilidad ng bawat magulang o guardian na ito ay pangalagaan at ingatan sapagkat ito ay pag-aari ng gobyerno at pansamantalang ipinahiram lamang.
MODULES, DELIVERY OF INSTRUCTION, AND CURRICULUM CONCERNS
(Prepared by: Dr. Bernardo N. Mascariña)
Sagot: Ang atin pong mag-aaral ay gagamit ng SelF Learning Modules (SLMs). Printed po sa mga walang gadgets at digitized SLMs naman sa mga mag-aaral na may gadget at internet connection.
Sagot: Sa pagpapatupad po ng Distance Learning gamit ang Self Learning Modules (SLMs), ang mga magulang po ay magsisilbing Learning Facilitator o magiging katuwang ng guro sa paggabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Sagot: Sila pa rin po ang guro ng inyong mga anak at nakaantabay sa lahat ng panahon. Handa silang tumanggap at sagutin ang anumang katanungan tungkol sa modyul at gagabay sila sa mga mag-aaral sa pagwawasto ng sinagutang modyul at sa pagtatala ng progreso ng mga mag-aaral.
Sagot: Ang bawat klase po ay mayroong FB Messenger Class Network. Dito po ay masusubaybayan ng guro ang pag-aaral ng inyong mga anak. Kung wala naman po kayong mga cellphone ay sa pamamagitan ng Feedback Form na kalakip ng modules ang magiging ugnayan ng guro at mag-aaral.
Sagot: Susuriin ng mga guro lahat ng ibinalik na modules bawat linggo. Para naman sa mga gumagamit ng online instruction, gagamitin ng guro ang mga log-in data ng mag-aaral.
Sagot: Gabay at suporta ang kailangang ibigay ng mga magulang at hindi mismo ang aralin. Ang mga guro po ang bahalang magproseso ng mga araling sakop at hindi po ang mga magulang.
Sagot: Kayo po at ang guro ay magkakaroon ng pag-uusap pasa sa angkop na gawain ng maaaring ibigay sa inyong anak.
Sagot: Ang atin pong mga mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1 ay may gagamiting learning tablet na may lamang mga video lessons at iba pang learning materials na angkop sa kanilang edad. Ang kanila pong mga guro ay lagi pong makikipag-ugnayan sa inyo upang lalong mapabuti ang pagkatuto ng inyong mga anak.
Sagot: Kapag ang mag-aaral ay nahihirapan sa pag-unawa ng mga aralin, maaaring makipag-ugnayan ang magulang sa guro sa pamamagitan ng text, tawag o pagsulat sa guro upang kayo ay matulungan.
Sagot: Ang mga guro ay regular na makikipag-ugnayan sa inyong mga anak sa pamaamgitan ng FB Messenger, pagti-text o pagtawag.
Sagot: Kami po ay umaapela sa mga magulang na maglaan ng panahon sa kanilang mga anak. Kung talagang hindi maiwasan ay makiusap sa mga kamag-anak gaya nina tito, tita, lolo, lola o kahit sinong mapagkakatiwalaang makakatulong sa inyong anak.
Sagot: Ang modyul ay dapat sagutan ng mag-aaral na may sapat na paggabay ng mga magulang.
Hayaan po nating matuto ang ating mga anak sa malinis na paraan.
Sagot: Maaari po kayong magtanong sa guro ng inyong anak sa pamamagitan ng text o tawag. Ang mga guro ay magbibigay ng kanilang mga contact number para madali ninyo silang matawagan o mai-text.
MODULES, DELIVERY OF INSTRUCTION, AND CURRICULUM CONCERNS
(Prepared by: Dr. Edwin S. Doria, PhD)
Sagot: Kung may mga ganitong problema ay agad po na makipag-ugnayan sa guro sa pamamagitan ng Text Messenger, FB Messenger, Videocal, Viber o tawagan ang guro para mabigyan kayo ng payo kung ano ang dapat gawin.
Sagot: Agad na makipag-ugnayan sa guro ng mag-aaral sa pamamagitan ng Text Messenger, FB Messenger, Videocall, Viber o tawagan ang guro para mabigyan kayo ng payo kung ano ang dapat.
Sagot: Ang importante ay matapos ng mag-aaral ang mga sasagutan sa bawat module at maisumite ang mga ito sa guro sa itinakdang petsa at oras subalit nais naming iparating sa inyo na napakahalaga ng role o gampanin ng magulang o guardian sa pag-aaral ng bawat mag-aaral kaya’t hinihikayat ang inyong suporta at tulong
Sagot: Maaari po itong isulat sa anumang malinis na papel na mayroon kayo sa bahay gaya ng yellow pad, bond paper, intermediate pad o notebook. Lagyan lamang po ito ng kumpletong pangalan ng mag-aaral, baitang at seksyon, pangalan ng guro, petsa at pamagat ng module.
Sagot: Sa 5-item test, ang pasado ay 4 at 5, samantalang sa 10-item test ang pasado ay 8, 9 at 10.
Sagot: May nakatakdang petsa at oras na ibibigay ang mga guro tungkol sa pagsusumite ng sagot ng mag-aaral. Makipag-ugnayan lamang sa guro upang malaman ang mga ito.
Sagot: Kung sakali man na hindi ninyo maisumite ang sagot ng mag-aaral sa itinakdang petsa at oras ay makipag-ugnayan sa guro upang siya ay makapagbigay ng mungkahi o solusyon.
Sagot: Ang mga ganitong suliranin ay dapat maiparating agad sa guro lalo na sa primary grades ay may mga ginagawang Online Reading Class.
Sagot: Iwawasto pa rin po ang mga iyon ngunit kayo na ang gagawa nito. Ilalagay ng guro sa FB Group Chat ang sagot upang malaman ninyo ang tamang sagot
Sagot: Ang PORTFOLIO ay isang koleksyon ng mga larawan o written output na isusumite ng mag-aaral sa guro. Ito yong mga pictures niya habang nasa bahay siya at nag-aaral p nagbabasa ng module. May kalakip din itong mga caption kung ano ang kanyang ginagawa.
Sagot: May dalawang (2) layunin ang portfolio. Una ay para masubaybayan ang pag-unlad ng mag-aaral sa kanyang pag-aaral kahit nasa bahay lamang siya gawa ng pandemya. Ikalawa ay para maiskoran siya sa kanyang performance bilang isang mag-aaral.
Sagot: Mayroong dalawang (2) paraan upang isumite ang portfolio. Una ay SOFT COPY. Kukunan ng larawan ang bata habang nag-aaral at sumasagot sa module. Ipadala ito sa guro sa pamamagitan ng FB Messenger, Ikalawa ay HARD COPY. Dalhin ang kanyang dyornal sa paaralan at ibigay sa punongguro o kawani ng paarlan para makuha ng guro. Lagyan lamang po ng kumpletong pangalan ng bata, baiting at seksyon, pangalan ng guro at petsa.
ASSESSMENT OF LEARNING OUTCOMES, SHS, SPED, AND HOMEROOM GUIDANCE PROGRAM
(Prepared by: Arlyn M. Brigola, PhD)
Sagot: Kasalukuyan po nating hinihintay ang paglabas ng panuntunan ng Grading System mula sa Kagawaran ng Edukasyon na angkop sa Distance Learning Delivery Modality.
Sagot: Mayroon po tayong mga Developmental Assessment Tools na nakatalaga sa bawat paaralan. Ito ay ia-administer ng SPED Teachers or Trained Teacher-Assessors.
Sagot: Sa ngayon ay hinihintay po ang paglabas ng bagong DepEd Order na naaayon sa pagtatasa o assessment sa panahon ng tinatawag na “New Normal”.
Sagot: Hihintayin po natin ang guidelines ukol sa JDV Program. Sa ngayon ay nakatuon pa rin po tayo sa DO No. 19, s. 2019 (Guidelines on Grant of JDVP)
Sagot: Ang Formative at Summative Assessment ay mga tools o gabay na ginagamit ng mga guro upang masuri nila ang antas ng pang-unawa at pagsulong ng isang mag-aaral. Ang mga ito ay batayan din upang malaman kung ang mga mag-aaral ay ay nakinabang mula sa mga pamamaraan na ginagamit ng guro sa pagtuturo.
Sagot: Ang ating mga guro ay magbibigay ng Learner/s Progress Monitoring Form sa mga magulang upang malaman ang progreso ng kanilang anak. Maaari itong ipahatid sa pamamagitan ng digital, email o paraan na nais ng magulang na naaayon sa petsa na itatakda ng paaralan.
Sagot: Ang Individual Learning Monitoring Plan ay gagamitin ng guro para sa mga mag-aaral na kinakikitaan ng special na atensyon at higit na gabay ng guro. Maaari itong ipahatid sa pamamagitan ng digital, email o paraan na nais ng magulang na naaayon sa petsa na itatakda ng paaralan.
Sagot: Ang Feedback Form ay ibabalik ng magulang at mag-aaral sa itinakdang petsa. Samantala, ang mga magulang ay maaaring magbigay ng kanilang Feedback anumang oras sa pamamagitan ng text, call or FB Messenger.
Sagot: Ayon sa DM No. 162 s. 2020 (Suggested Strategies on DLDM) ang Screen Time Guidelines by Age ay:
Sagot: Ayon sa DepEd Memo No. 51 s. 2020 ang mag-aaral ngayong taong panuruan 2020-2021 na di umabot sa 75 ang marka ay kinakailangang kumuha ng remedial/make-up class. Maaari po kayong makipag-ugnayan sa inyong paaralan ukol sa Remedial Sessions na kanilang gagawin.
Sagot: Ayon sa DepEd Order No. 8 s. 2015, ang mag-aaral na tatanggapin sa SHS program ay ganap na Grade 10 Completer. Ito ay nangangahulugang lahat ng asignatura mula Grades 7 to 10 ay kanyang naipasa.
Sagot: Opo. Patuloy pa rin ang SHS Voucher Program na ibinibigay sa mga kwalipikadong Grade 10 Completers. Maaari pong basahin ang DepEd Order No. 16 s. 2020 para sa karagdagang detalye ukol dito.
LEARNING RESOURCES, LEARNING SITES, LEARNING APPS, AND LEARNING PLATFORMS
(Prepared by: Rodel C. Apostol, EdD)
Sagot: Maaaring maka-connect sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pamunuan, mga guro at ICT coordinator ng eskwelahan.
Sagot: Maaaring makipag-ugnayan sa pamunuan at mga guro ng eskwelahan para sa tamang iskedyul.
Sagot: Pwede namang makapagpatuloy ang mga bata sa pag-aaral kahit walang gadget, subalit ang mga gadget tulad ng Android phones ay magagamit para sa pakikipag-ugnayan nang mas mabilis sa kanilag mga guro. At ang laptops at tablets ay maaaring gamitin sa online at offline learning. Mayroon din tayong mapapanood ng Educational Video lessons sa DepEd TV sa IBX Channel 13 at Solar Learning TV channel.
Sagot: Ang personal DepEd e-mail ng mag-aaral ay makukuha sa class adviser na mula sa ICT coordinator ng eskwelahan.
Sagot: Maaaring magamit ito ng mga mag-aaral upang makapasok sa kanilang virtual classes, makapag-download ng digitized modules. At makapagpasa ng sagutang papel sa kanilang subject teacher online.
Sagot: Maaaring ma-download ang digitized modules sa pamamagitan ng pagpunta sa link website at pag-register sa LR portal gamit ang iyong DepEd Paranaque account.
Sagot: Mahahanap ang DepED Paranaque LR Portal sa pamamagitan ng pag-type sa link na ito sa iyong google browser
Maaari ring makipag-ugnayan sa iyong adviser kapag nahihirapan sa pag-access sa site na ito.
Sagot: Maaaring makuha ang kopya ng digitized modules sa division LR portal via online sa pamamagitan ng pagda-download. Para naman sa offline copies maaari itong makuha sa pamamagitan ng paggamit ng storage devices gaya ng Universal Serial Bus (USB) o On-the-GO (OTG) sa subject teacher.
Sagot: Masasagutan ang mga gawain sa digitized modules sa pamamagitan ng paggamit ng sagutang papel o pag sagot gamit ang PDF reader.
Sagot: Mag-download ng PDF Reader gamit ang Google browser. Gamitin ang PDF Reader para punan ng sagot ang digitized modules.
Sagot: May dalawang paraan ng pagpapasa ng nasagutan na na modules. Una, maaaring kuhaan ng litrato ang sagutang papel at i-send sa subject teacher gamit ang private messenger o personal email. Pangalawa, maaaring i-send ang nasagutang modules gamit ang PDF Reader at i-send gamit din ang private messenger o personal e-mail.
Sagot: Maaaring ma-access ang mga sites gaya ng TechnoKids T-Lib, DepED Paranaque Portal, FrontLearners, DepED Commons, at Reading and Writing Apps.
Sagot: Ang mga APPS para matutong magbasa at magsulat ang mag-aaral ay pwedeng i-download mula sa DepED Paranaque Portal gamit ang DepED Paranaque account ng mag-aaral. Para naman sa offline copies maaaring makipag-ugnayan sa pamunuan ng eskwelahan para i-download via Share it o Bluetooth mula sa teacher o adviser?
Sagot: Ang APPS gaya ng Google Chrome, Messenger, Kinder at Grade 1 Apps para sa pagbasa at pagsulat at Share It.
ONLINE INTERACTIONS AND PTA MATTERS
(Prepared by: Mr. Hector Hugh L. Ngales)
Sagot: Ito po ay komunikasyon sa pagitan ng teachers, learners, parents at stakeholders gamit ang social media.
Sagot: Ito po ay plataporma sa internet na may Apps at siyang gagamitin sa Online Interaction. Halimbawa ay Facebook o Instagram.
Sagot: Opo. Kailangan niyo po silang samahan during Online Interaction.
Sagot: Maaari niyo pong ibilin sa ate at kuya o kung sino pa na may sapat na gulang na kasama sa bahay na pwedeng gumabay sa kanila.
Sagot: Tanging academic-related tasks lang po ang pwedeng ipagawa ng mga guro sa inyong mga anak.
Magbigay ang guro ng hotlines ng mga pulis sa inyong anak kung kailangan niya ang tulong; at
Kung mayroong child protection concern ang inyong anak. Pero kailangang kasama rin doon ang Guidance Counselor/Teacher.
Sagot:
Sagot: I-report po ito agad sa teacher-adviser.
Sagot: Opo. Kailangan ding ito ay mailagay sa KASULATAN. Hindi puwedeng verbal na pahintulot lamang.
Sagot: Puwede pong gumawa ng Social Media account ang inyong anak kung ang edad niya ay 13 pataas. Kung ang edad niya ay mas mababa sa 13, gamitin ang account niyo or kung sinong i-authorize niyo ang pwedeng gamitin para sa mga opisyal na school-based communication.
Sagot:
A.1 School:
• Teacher/Adviser:
• Guidance Couselor/Teacher:
• School Head; and
• Any adult member of the School Child protection Committee:
A.2 Schools Division Office:
• Ms. LEAH E. SUDSAKORN
Division Child protection Specialist
• LEAH EBORDA-SUDSAKORN (FB Account)
0945.710.6547
• Mr. HECTOR HUGH L. NGALES
Division Legal Coordinator
hectorngales@gmail.com
0953.1568.148
Sagot: Sa kasalukuyan, wala pa pong bagong Order or memorandum na binababa ang DepEd Central Offixe para sa PTA Concerns ngayong “new normal.”
Sagot: Ibabawas ang 14-day sick leave sa leave credits kung siya ay na-diagnose ng COVID-19 pagkatapos ng 14-day self-quarantine.
Sagot: Ang DepEd Paranaque ay lubos na sumusunod at nagpapatupad ng mga alintuntunin sa Inclusive Education ng nakapaloob sa R.A 10533.
Ang Inclusive Education (DO No. 72, 2009) ay nakasentro sa pantay-pantay na pagtuturo anuman ang pinagmulan, kutura, paniniwala, at kakayahan sa buhay ng isang mag-aaral.
Sagot: Maaaring tumawag sa Division Oplan Balik Eskwela Committee sa mga numero ng cellphone at email addresses na nakapaskil sa gate ng SDO Paranaque at sa DepEd Tayo Paranaque FB Page.
Sagot: Opo. Tatanggapin ng mga paaralan ang mga late enrollees subalit ang estudyante ay dapat makabuo pa rin ng 80% na attendance sa itinakdang school days sa bawat school year at maaabot ang mga kinakailangang pamantayan upang pumasa sa bawat grade level.
Sagot: Opo, subalit mas mabuti na sa sariling SDO kumuha sapagkat may sariling code number ang bawat Division.
Dahil sa COVID-19 pandemic, ang 2020 PEPT ay gaganapin sa unang lingo ng Pebrero, 2021.
Sagot: Ito ay gagawin alinsunod sa itatakda ng IATF for Emerging Infectious Diseases.
GENERAL CONCERNS
(Prepared by: Dr. Rosie O. Rombaoa, PhD)
Sagot:
Base sa pinakahuling datos (September 25, 2020)
• Self-Learning Materials: 45% na ng (Week 1-4 of Quarter) ang nailimbag
• August 11, 2020 nagsimula na ang proseso para sa paggawa ng mga modules para sa
ika-5 hanggang ika-7 linggo para sa elementarya at sekundarya.
• September 23, 2020 inisyu ang Notice to proceed para sa nanalong bidder.
• October 12, 2020 ay unang delivery ng modules sa SDO Paranaque
Base sa pinaka huling datos (September 25, 2020)
• Teachers’ Training
• 100% ng ating mga guro ay sumailalim sa mga training tungkol sa distance learning modalities
• Online learning:
Bagamat modular ang paraan ng pag-aaral dito sa Paranaque, ang mga paaralan ay may
mga paghahanda na para sa unti-unting paggamit ng online learning.
• Training/Orientation Para sa Magulang at Tagapag-alaga
• 99,133 ang mga magulang at mga tagapag-alaga ang nabigyan ng orientation tungkol
sa online learning.
• Health and Safety Protocols
Mahigpit na ipinatutupad ng SDO Paranaque sa lahat ng paaralang pampubliko ang pagsunod sa mga alituntunin na ibinaba ng IATF at DOH tungkol sa pagpapanatili ng social distancing, paggamit ng alcohol, pagsusuot ng face mask at face shield, at iba pa.
1.6 Donate a Cellphone Drive – Sa pamamagitan ng Donate a Cellphone Drive ng SDO Paranaque, nakalikom ng kabuuang 924 gadgets, 291 dito ay smartphones, 616 tablets at ang iba ay 27 laptops.
Ang mga nalikom na gadget ay ipapahiram sa mga estudyanteng higit na nangangailangan.
Sa ngayon, patuloy ang mga pagpupulong, koordinasyon at pag-momonitor ng Division Office sa 44 nitong paaralan upang makasiguro na handang-handa ang lahat sa darating na pasukan.
Sagot: Ang local na pamahalaan ay nakapagbigay na ng 50% na laptops sa mga kaguruan. Ang mga mag-aaral naman mula Kindergarten at Grade 1 ay makatatanggap ng learning tablets.
Mayroon ding Project ELO (Educational WIFI for Greater Learning Opportunities) kung saan tutustusan ng Local na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Olivarez ang internet connectivity sa buong lungsod ng Paranaque.
Sagot: Ito ay ipo-programa at unti-unting ipamamahagi alinsunod sa laki ng SEF para sa mga learning tablets.
Sagot: Ang project ELO ay pinaglalaanan ng malaking halaga upang matulungan ang mga mag-aaral. Ito ay ilulunsad sa Setyembre 30, 2020.
Sagot: Ang kanilang palagiang suporta at pag-agapay sa mga proyekto ng ating butihing mayor at ng DepEd ay napakalaking inspirasyon sa ating mga mag-aaral, magulang, at mga guro.
Sagot: Ang 44 na paaralan ay nagkaroon ng mga homeroom activities at video simulations upang magabayan ang mga magulang sa pagtuturo o paggabay sa kanilang mga anak.
Ang video simulations ay isinagawa noong July 22-28, 2020 at patuloy na mapapanood sa FB Page ng bawat paaralan.
Sabay-sabay na pinanood ang mga video simulations sa DepEd Paranaque FB Page, Paranaque City FB Page at sa lahat ng FB Pages ng mga paaralan.
Sagot: Magkaroon ng paggabay ang mga guro sa mga mag-aaral sa lahat ng paaralan upang lubos na maunawaan ang Regional Memorandum Order 238, s.2020, Safeguarding Standards during Online Interaction. Dito nakapaloob ang mga alituntunin kung ano ang angkop napag-uugali, gagamiting salita at mga dapat iwasan kung nasa online classroom.
Sagot: Buong-buo ang suportang ibinibigay ng DepEd Paranaque sa mga magulang, estudyante o mag-aaral.
Sagot: Ilan sa maraming pagsasanay na nagawa na ay ang mga sumusunod:
Sagot: May mga webinars na inihanda ang DepEd Central Office, Regional office, at mga paaralan upang mapanatili ang kanilang maayos na pangangatawan at makapagturong mabuti;
Nagkaroon din ng training para sa mga guro sa Kindergarten at Grade 1 tungkol sa paggamit ng digitized learning materials gamit ang learning tablets.
Sagot: Kapag naibaba na ang DepEd Order tungkol sa assessment, agad na magkakaroon ng webinar upang ito ay maipaalam sa mga guro.
Sagot: Maghihintay pa rin ng advisory mula sa DepEd Regional Office.
Sa ilalim ng GCQ at MGCQ, ang senior citizens, buntis, at may karamdaman ay Work From Home (WFH).
Magbago man ang ipaiiral na work arrangement, pananatilihin pa rin ang pagsunod sa mga safety standards sa mga eskwelahan at workplace.
Sagot: Sa ilalim ng patakaran ng CSC, kailangang mabigyan ng PPEs at susunduin at ihahatid ng sasakyan ang mga empleyado at mga guro na gaganap ng tungkulin sa paaralan.
Sagot: Sasagutin po ng Philhealth ang hospitalization at expenses ng mga guro kung sila ay magkakasakit ng COVID-19.
Ang 14-day sick leave ay hindi ibabawas sa leave credits kung ang empleyado ay diretsong pinag-self quarantine. Ibabawas ang 14-day sick leave credits kung siya ay na-diagnose ng COVID-19 pagkatapos ng 14-day quarantine.
Kung liliban upang mag-alaga ng kapamilya ng COVID-19, ito naman ay ibabawas sa kanyang leave credits.
Sagot: Ang DepEd Paranaque ay lubos na sumusunod at nagpapatupad ng mga alituntunin sa Inclusive Education na nakapaloob sa R.A. 10533.
Ang Inclusive Education (DO No.72, 2009) ay nakasentro sa pantay-pantay na pagtuturo anuman ang pinagmulan, kultura, paniniwala, at kakayahan sa buhay ng isang mag-aaral.
Sagot: Maaaring tumawag sa Division Oplan Balik Eswkela Committee sa mga numero ng cellphone at email addresses na nakapaskil sa gate ng SDO Paranaque at sa DepEd Tayo Paranaque FB Page.
Sagot: Opo. Tatanggapin ng mga paaralan ang mga late enrolees subalit ang estudyante ay dapat makabuo pa rin ng 80% na attendance sa itinakdang school days sa bawat school year at maaabot ang mga kinakailanngang pamantayan upang pumasa sa bawat grade level.